Monday, April 2, 2012

DAY 28: 30-DAY FITNESS CHALLENGE

I'm almost there. Yan ang nasa isip ko while I was working out yesterday afternoon. With all the maagang pagising to do Taichi, ang pagdi-diet and all the exercising in the afternoon for the past 28 days, totoo ngang matatapos ko na ang aking 30-Day Fitness Challenge. Positively, I can see and feel the difference since day 1.

Yesterday ay ang aking 28th day. Nothing special happened or wala namang bonggang kainan na naganap. But what I would like to share in this entry is the changes that I've started to feel sa aking katawan at isipan.

Wanna know more about this? Read on.

I had the usual meal for breakfast, lunch and dinner yesterday. For breakfast, I had one apple and two pandesal. For lunch, I had paksiw na isda, half cup of brown rice and saging for dessert. And at night, I had one pandesal, two (ang laki laki grabe) nilagang saging,  and some grapes for dessert.


As usual, I exercised in the morning and in the afternoon. Super pawis na naman kaya super happy at feeling ko ay tunaw na tunaw ang mga nakain ko over the weekend.

Doing this 30-day Fitness challenge has changed my life nang bongga. Di lang naging light ang feeling ko, lumuwag na rin ang mga damit ko and nabawasan na rin ang acidity sa tiyan ko.

Before doing the 30-day Fitness challenge, madalas akong mag-crave at madali akong magutom. Parang any moment eh gusto kong kumain. Maisip ko lang ang food, kain agad. But with this challenge, nadisiplina ko ang sarili ko. Hindi dahil sa dinedeprive ko ang sarili ko but, but, but, naiisip ko na mahirap din kasing magpapayat. So mabuti pang umiwas sa mga nakakatabang pagkain.

For the past 28 days, umiwas ako sa maalat, sa pagkaing resto, sa mga matatabang pagkain, sa mga mamantika. As you saw in my past entries, halos laging nilagang saging lang ang dinner ko. And for breakfast, one pandesal and one apple. At kung nagutom pa, banat ng saging.

With this challenge, mas nahumaling ako sa pagkain ng isda. Either fried (na talagang pinapagpag ko ang mantika sa tissue paper) or paksiw. Dahil sa pagkain ng isda, kahit gaano karami, feeling light pa rin.

Another effect ng aking fitness challenge ay ang pagbuti ng aking "session" sa cr. Di ako constipated at laging suwabe. 

Bongga rin ang aking tulog. Kahit mejo kulang ang tulog sa umaga, through Taichi, nagkaka-energy ako. Ewan ko ba, parang ina-absorb ko ang mga enerhiya sa paligid.

On top of that,  I already lost 11 pounds or 5 kilos. Seriously, this is a very big achievement. In 30 days, I achieved something spectacular. And of course, ang susi ay ang disiplina at dedikasyon.

What's more interesting with my fitness challenge, walang gym fees na binayaran to loose weight. Disiplina lang talaga sa pagkain at siempre, sinabayan ng exercise. Isipin niyo nga, noong unang panahon, di naman uso ang gym. So kung di uso, bakit di subukan na maximize spaces and "make love" with the environment to loose weight.

Now, you're all excited to see the 30-day Fitness Challenge summary. Don't worry, I'll be posting that after my 30th Day. So watch out for it.

Cheers! 

2 comments:

  1. ok ba ang kagaya ng diet na ganito


    breakfast half cuyp of rice
    and isang prutas kahit anung prutas?


    pagdting ng tanghali prutas padin


    at sa gabi prutas padin

    ReplyDelete
  2. Jorge, depende sa prutas. Apple and saging ang fave ko. Basta wag ka magutom, yon importante. Plus, more water!

    ReplyDelete

ShareThis