Tuesday, July 24, 2012

DAY 22 - 23: ROAD TO 65 FITNESS CHALLENGE "TOP 20 FUNNY NEWS FEED ABOUT WEIGHT, FOOD, FITNESS AND HUNGER"

Drugs. With too much intake, nakaka-adik. So am I into drugs? Of course not. But I realized that I've been drinking Choco-o-Cino, coffee with chocolate, for the past two days. Dahil inaantok ako ng bongga sa umaga, I really had to drink something to keep me awake.With that, mukhang naaadik na ako.

But here's the deal. As I was sipping the warm drink, I thought of some tabloid headlines, which are related to loosing weight. Dahil wala  namang tabloid dito na naglalaman ng mga nakakalokang headlines, naisip kong gumawa. Funny naman. Yes. Funny. Ang di tatawa, kukunin ni Lord. hahaha!

If you think you need a laugh? Read on and make tawa, now na!



Before I talk about the funny headlines, let me share to you first some of the food that I had for the past days. But I changed my mind. Puros pamtaba kasi nakain ko. Although yung iba naman ay healthy healthyhan.

Two days ago, I had a meeting at night. I'm scheduled to host a debu.With that, I had a banana milkshake and french fries during the meeting. I guess, yon na ang pampataba na nakain ko. Kasi for breakfast and lunch, the usual lang ang kain ko. Di mawawala ang apples. On a bright side, nagwork out naman ako so tunaw din ang nakain.

So yesterday, nakapagtimpi ako sa craving ko.  I was soooooo kakain na sana ng kanin but I chose to have Kolomee with wanton and dumpling.

Then the babuyan happened at night. My friends tagged me along to watch "The Dark Knight Rises." I had waffle with chocolate and blueberry. I also had some dimsum. Sa kabila niyan, di naman na ako bumili ng popcorn. Busog na kasi talaga ako. Ayoko naman pilitin sarili ko kasi isuka ko ang kinain ko. On one hand, I felt (seriously) sleepy watching the movie. Less action at more usap ang pelikula. 

After our movie night, my friends and I ate at Mcdonalds. Dahil matagal na rin akong di kumakain ng cheeseburger, ayon, napaorder ko. But what's good, with "Share the Fats" in mind, I shared my food with my friends. We cut the burger in two and shared the fries for all.

Now, get ready as I share to you the funny headlines about weight. Actually, my entry is inspired with news headline "4 na nawawalang isda, di pa natatagpuan." Now let's make tawa na.


(1) Patpating 20-anyos na babae, natangay ng hangin!

(2) 220 pounds na lalake, dinadaganan ang kabit ng asawa, patay!

(3) 250 pound na mountain climber, 140 pounds na lang ng makababa sa miracle mountain!

(4) Dating beauty queen, nalason dahil sa Hipon. (As in yung hipon na pagkain. Hahaha!)

(5) Misis sa Baler, ginawang punching bag ni Mister!

(6) Security Guard ng isang gym, bugbog sarado! (Kasi sinabihan ang customer na, parang di ka pumapayat)

(7) Diet pills, peke, nakakataba!
(8) Doktor ng liposuction, ginagatasan ang mga babaeng customer, tiklo! (Sa halip na taba ang kunin!)

(9) Bangkay ng 200 pounds na babae, lumutang sa ilog!

(10). Magic pandesal, bumenta sa mga lalakeng adik sa abs!

(11) 7.4 na Lindol sa Quezon City, isinisi sa Fun Run!

(12) Bigating Aktres, nagbuhat ng sariling bangko!

(13)  “Nakakataba ng puso” na pahayag ng Vegan aktres, binatikos ng Vegetarian Society of the World!  (Kasi naniniwala ang grupo na hindi nakakataba ng puso ang gulay!)

(14) Batang ipinaglihi kuno kay Jollibee, nanaba sa McDonalds!

(15) Slimming tea, ipinapainom sa bagong silang na sanggol! (Desperado ang magulang na maging slim ang anak paglaki!)

(16) Fitness program ng pamahalaan, ibinasura; Kawalan ng makain, inilaban!

(17) Spinach ni Popeye, mabibili na, patok na patok!

(18) Lalake sa tulay, napagkamalang hipon, napugutan ng ulo!

(19) Mayor na mahilig sa sugpo, namayat ang bulsa! 

(20) Grand Champion ng Reality TV Show, gutom sa kasikatan!

 Now, on to my 24th Day! 

No comments:

Post a Comment

ShareThis