Thursday, August 2, 2012

LETRA-TURA: "PAGSUONG" + "TOP 20 THINGS NOT TO SAY SA FIRST TIMER OFW NA SASAKAY SA EROPLANO"

Bilang pagkilala sa buwan ng Wika, ang Agosto, ay itatanghal ko sa aking blog ang 30 Akda na isusulat sa loob ng tatlumpung araw. Ito ay tatawagin kong LETRA-TURA, o ang pagsasanib ng mga LETRA tungo sa pagkatha ng mga karanasan ko bilang isang inbidbwal, OFW, anak, kaibigan, at matabil na nilalang.

Maliban riyan ay ibabahagi ko rin sa inyong lahat ang mga kakatuwang TOP 20 tungkol sa pagiging isang OFW. Siempre, gaya ng lagi kong sinasabi, ang hindi matawa o tumawa ay kukunin agad ni Lord. Dahil sa sapilitang pananalita na may halong sumpa, siempre, makuha mo pa kayang hindi matawa?

So ano pang hinihintay mo? Makibasa na at maaliw!

Ang unang tula na aking isinulat ay tungkol sa emosyong sumisibol sa loob ng paliparan o airport.







“Pagsuong”
 ni E. Cabalquinto

Doon sa paliparan,
Itinanghal ang hamon ng bagong kapalaran.

Sukbit ang kinipkip na pag-asa,
Kaginhawaa’y pilit na sinusungkit.

Kalakip ng maletang ipinangutang,
Nagparada ang luha.

Bumubuhos man ang pangamba,
Handang pulutin ang maginhawang bukas.

Sa mundong balot ng hiwaga;
Pangangapa sa mailap na biyaya ay isang krusada.

*** 
Ang TOP 20 na mga bagay na di dapat sabihin sa FIRST TIMER na OFW na sasakay ng eroplano.

1. Sabi ko Lord eh mabait ka. Pero sana wag ka muna kunin.

2. Kelan lang eh may nag-crash na eroplano. Nabalitaan mo?

3. First time mo? Dasal ka. Baka last time mo na rin.

4. Rosaryo, baon mo. Eto rin, listahan ng utang.

5. Wag kang mag-pa-para sa eroplano. 

6. Bumalik daw ang SARS.

7. Hindi nabubuksan ang bintana ng eroplano. Unless gusto mong masilip si Lord.

8.  Gusto mo to? e-burol?

9.  Sinong mga beneficiaries mo? Sama mo ako!
10. Si Nanay may sakit. Si tatay may sakit. Enrollment na. Pambayad ng bill sa ilaw at tubig. Alam mo na. 
11. Pautang naman oh.
12. Si kumpare mo na ang bahala sa Misis mo.
13. Malaya ka sa Biyenan mo!
14. Pasalubong ha.
15. Nagresign na ako sa trabaho. Andyan ka naman na eh.
16. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang magiging milyonaryo na tayo.
17. Di kita mami-miss!
18. Babalik ka pa ba?
19. Nawawala ang passport mo!!!
20. Ayoko. Ayokong mawala ka. Sino na lang ang maglilinis, maglalaba, magluluto, at magaalaga sa mga bata.

2 comments:

  1. wag namang ganyan.walang takutan!nyahaha

    ReplyDelete
  2. Pusang kalye, hahaha! Ei, aliw yung mga blog posts mo. =)

    ReplyDelete

ShareThis