Friday, October 12, 2012

SARANGGOLA BLOG AWARDS (TULA): "e-ntablado"


Ang tulang nasusulat rito ay kalahok sa 2012 Saranggola Blog Awards. Layunin ng tula na ipakita ang paglalakbay ng mga kaisipan sa mundo ng birtwal na espasyo na nais panghimasukan ng pamahalaan.








“e-ntablado”
 Earvin Charles B. Cabalquinto

Doon sa mundong walang bakuran
Nagtanghal ang tauhan ng lipunan.
Naglakbay ang mga daliri,
Ibinulalas animo’y kalapastanganan.

Sabi ng puta,
Suso, suso kayo riyan!
Oh Dear Lord, sila’y sabik sa dyug-dyugan.
Mayor, panagutan mo ako!

Sumabat ang Pari,
Moralidad ay pangalagaan!
Humayo kayo at magparami.
Plastik ay iwasan.

Sabi ng pulubi,
Hey, I just met you.
But here’s my number.
So call me, Steb Jabs!

Sumabat ang Pulis,
Hoy! Krimen ang magnakaw.
Teka, beating the red light.
Pampadulas naman diyan.

Sabi ng guro,
Laban, laban!
Wag bawi, bawi!
Umento sa pasahod, now na!

Sabi ng mga Drayber,
Daang matuwid.
Daang matuwid.
Sira na naman?

Sabi ng Pulitiko,
Kaya namin o natin?
Ah basta, susulong tayo o kami?
Walang kokontra!

Sumabat ang Taong Bayan,
Ang mayayaman ay payaman ng payaman,
Ang mga mahihirap ay pahirap ng pahirap.
Pati salita na aming sandata,
Ipagkakait pa ba?

Nagwika si Siri.
Speak no evil.
Hear no evil.
Wag evil-evilan.
Libel ay iwasan.

Sumabat ang Taong Bayan,
Over my dead body!
Click. Post. Like.

Ang tulang ito ay isinulat bilang suporta sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Tayo ay may karapatan na paglakbayin ang impormasyon tungo sa progresibong bansa. Isulong ang bayang walang kinatatakutang ipahayag ang nararapat sa taong bayan. 


Ang tulang ito ay kalahok sa 2012 Saranggola Blog Awards. Bisitahin ang link: http://www.saranggolablogawards.com/




2 comments:

  1. Good luck sa atin! Nakakatuwa ung layout ng tula mo, kakaiba, ibang porma.

    ReplyDelete
  2. Salamat, Semidoppel. Mabuhay! =)

    ReplyDelete

ShareThis