Thursday, November 13, 2014

NOW SHOWING

Ito ang aking entry sa kategoryang liham ng 2014 Saranggola Blog Awards. Nais kong ipakita sa liham na ito ang "chopseuy" na emosyon ng isang OFW ukol sa paghahangad ng magandang buhay. Ang magandang buhay ay naisasaktuparan sa ibang bansa ngunit balot rin ng bangungot at pait. Sa kasamaaang palad, ang pighati at pagdurusa ay siya ring itinatanghal ng media. Kaya naman, basahin mo at isipin kung ano ang meron sa "Now Showing!"




SA UMPUKAN

Ito ang aking entry sa 2014 Saranggola Blog Awards. Nais kong ipakita sa aking tula ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating buhay na madalas ay napangingibabawan ng banyagang wika sa ating sariling bayan. Bagamat wikang dayuhan ang gamit sa mga pili at pasosyal na "umpukan", nanatiling taal at "komportable" ang wikang Filipino dahil ito ay ang ating wikang kinagisnan. Anu man ang ating gawin, ito ang wikang kay sarap uwian at balik-balikan.  




ShareThis